Saturday, April 13, 2013

SULAT PARA KAY EX


(FEMALE VERSION)

Dear Ex,
          Kumusta ka na? Mukhang nakapagmove on ka na ah. Parang walang break up na nangyari sating dalawa. Sa mga nababalitaan at napapansin ko mukhang masaya ka na. Mukhang okay ka na. Balita ko nga may bago nang babae dyan sa puso mo.. AGAD. I’m happy for you. Well.. Perhaps.. Ewan ko. Masaya ako kasi masaya ka. Pero alam mo, deep inside, ang sakit-sakit. Umaasa pa rin kasi ako na baka may chance pa tayo. Gusto ko ako pa rin laman niyang puso mo kahit di na tayo. Selfish ba? Di naman siguro. Mahal pa rin kasi kita eh. Oo, tinaboy kita nung sinubukang mong makipag-ayos. Natakot kasi akong masaktan ulit. Pero hindi ibig sabihin nun eh hindi na kita mahal. Gusto ko lang muna ng space.. ng time.. para makapag-isip. Para mabigyan ko naman ng time yung sarili ko. Nakakasawa rin kasi yung mga paulit-ulit at walang kwentang mga away natin. Pero kahit ganun, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nga nung nalaman ko na may iba ka na, parang nadurog yung puso ko. Di ko alam kung ginagawa mo lang yun para makaganti ka o para magkaayos tayo. I don’t want to judge you. Baka kasi mahal mo na nga talaga yang babaeng yan and kung ganun nga, hindi mo naman siguro kasalanan yun. Ang sakin lang, if dumating yung time na magkagirlfriend ka na nga talaga ulit, kung hindi man ako yun, sana pasayahin ka nya higit pa sa ginawa ko. Sana rin wag na nya gawin yung mga mali na nagawa ko sayo. Thank you sa love mo. Sa pag-intindi at pag-aalaga. Thank you sa mga magaganda at pangit na memories. Hindi man ikaw ang happy ending ko sa biyahe ng love life ko, happy pa rin ako na kahit papano nakasama kita sa journey ko. Sorry sa mga nagawa ko. Wag kang mag-alala, simula ngayon lalayo na talaga ako kahit mahirap. Para naman di na ako makagulo sa happiness mo ngayon. Masaya ako kasi di naging mahirap sayo yung mag move on. At least hindi na masyadong nadagdagan yung sakit na naibigay ko sayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Mahal na mahal kita. Wag kang mag-alala, makakalimot din ako. Di man ngayon, pero uunti-untiin ko. Mag-iingat ka ha?

P.S.
          Kung sakaling magbago ang isip mo at muli kang bumalik, lagi mong tandaan, nandito lang ako para sayo. Naghihintay na balikan mo.

SULAT PARA KAY EX

(MALE VERSION)

Dear Ex,
          Hi. Kumusta na? Alam mo, minsan nakokonsensya na naiinis ako sa tuwing magdadrama ka sa iba tungkol sa naging break up natin. Bakit? Kasi para bang ako yung may ginawang mali. Oo, alam ko yung immaturities ko. Alam ko rin na sobrang seloso ako. Pero alam mo rin naman yun di ba? Kung mahal mo ako talaga, iiwasan mo yung mga bagay na magiging reason na isipin ko na di mo naman talaga ako mahal. Yung mga bagay na pag-aawayan natin. Ayaw mo na nagseselos ako? Bakit? Nasasakal ka na ba? Sorry. Pero di ko mapigilan eh. Maliit man o malaki ang isang bagay, basta tiwala ang usapan, di dapat binabalewala yun. Gusto mo ba yung pakiramdam na wala akong pake sayo? Na kahit anong gawin mo ayos lang? Yung tipong halos ipamigay kita? Mahal kita, kaya gusto ko sakin ka lang. Ayoko na kumakausap ka ng kahit sinong lalaki. Kahit kaibigan mo pa. Ang lalaki ay lalaki. Oo may tiwala ako sayo kahit na iniisip mong wala dahil sa kakaselos ko. Sa mga lalaking nakapaligid sayo ako walang tiwala. Di natin alam kung ano ang pwede nilang gawin o isipin tungkol sayo. Kapakanan mo lang iniisip ko. Gusto ko ako lang pogi sa paningin mo. Kahit na hindi ako maligo gusto ko ako lang mabango para sayo. Ayoko na kinikilig ka sa ibang lalaki kasi bilang boyfriend mo, trabaho ko yun; na pakiligin ka. Ayokong tumitingin ka sa iba. Sobrang nagseselos na ako sa ganun. Kahit sa picture. Pakiramdam ko kulang pa ako sayo. Ayokong tumatawa ka dahil sa iba. Dapat ako lang nagpapasaya sayo higit sa lahat. Ayokong nagsusuot ka ng mga damit na kapos sa tela. Baka mabastos ka lang. Tsaka wala pa naman tayong krisis sa tela kaya sana wag mo nang gawin yun. Marami akong ayaw. Sorry kung nasasakal kita dahil sa mga yan. Pero wala akong magagawa. Yan ako eh. Hindi naman siguro ganun kasama yan para lagi mong suwayin. Yung mga ayaw mo, sinusunod ko naman di ba? Eh bat yung mga ayaw ko di mo magawa? Lagi kang may palusot, lagi kang may dahilan. Ultimo sa facebook niloloko mo na ko. Nagselos ako sa lalaking kinausap mo. You blocked him sa account mo pero may isa ka pang account at dun mo sya ulit kinakausap. Sinong matutuwa sa ganun? Ilang beses akong nagpatawad at umintindi. Pero hindi ko na talaga kaya. Umabot na ako sa hangganan ko. Sinaid mo ang pasensya at pagmamahal ko. At nitong mga nakaraang araw, may nakilala ako. Isang babae na kabaliktaran mo. Lahat ng kilos nya, naaayon sa mga gusto’t ayaw ko. Masaya ako kapag kasama ko sya. I am too close to love her. Pero sa tuwing kasama ko sya, may parte ng puso ko na nagsasabing sana ikaw na lang sya. Ikaw sana yung kasama ko sa bawat araw na dumarating sa buhay ko. Ikaw sana yung kasama kong tumawa, ngumiti.. I loved you even with your imperfections the way you loved me with my immaturities. There are times that I still miss you. Actually, lagi talaga kitang naiisip. Paggising ko, I always check my phone. Baka kasi tumawag ka o nagtext man lang. Sa mga common friends natin lagi rin akong pasimpleng nagtatanong tungkol sayo. Kahit sa facebook, 24/7 akong online para tingnan kung online ka, para makita kung anong bagong status mo, para malaman kung may bago ka nang ka-in relationship.. Even though I met someone else, there still and there will always be a part of me na magsasabing you’re still the one for me. Siguro part lang ng ego ko  yung babae na na-meet ko ngayon para kahit papano masabi kong masaya pa rin ako. Na okay ako. Na nakalimot na ko. Na strong ako. Na ayoko na talaga. Na kaya ko na wala ka. But the truth is, from the start till the end of the day, ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko. Hinihintay ko lang siguro yung sabihin mo sakin na mahal mo pa rin ako. Na bumalik na ko sayo. Na ako lang talaga at wala nang iba. Kasi ako, kahit na maka-ilang away at break up pa tayo, I think, mahirap nang baguhin yung nararamdaman ko sayo.


 

8 comments:

  1. so sad...nangyari din yan sa amin ng Bf ko

    ReplyDelete
  2. ang sakit nuya kase na na pagdaanan ko na yan ehh

    ReplyDelete
  3. Kakaiyak nman..narealize ko mga mali ko kaya pala napagod na cia

    ReplyDelete
  4. Wooow !!! - Ito ang pinakamalaking bagay na nangyari sa aking buhay. Ang Chubygreat ay isang regalo mula sa Diyos. Napakahusay niya sa pag-iisa ng mga tahanan, pag-aangat sa Negosyo, pagtulong sa mga tao na manalo ng halalan sa tulong ng kanyang mahiwagang kapangyarihan atbp.
    Tinulungan niya akong ibalik ang aking asawa na halos mawala ako sa masasamang mata ng mga lalaki. Pinagsama niya ang aking pamilya at pinauunlad ako sa aking negosyo. Ang taong ito ba ay isang anghel mula sa Diyos? Siya ay tunay na… .kaya hindi mo dapat maliitin siya. Makipag-ugnay lamang sa chubygreat sa 2348165965904 o mag-email sa kanya sa chubygreat@gmail.com. Kung ikaw ay nasa parehong kondisyon tulad ng ako ay dalawang buwan na ang nakakaraan.
    Totoo ito at walang dalawang paraan tungkol dito, sapagkat nagawa niya ang akin at gagawin din niya ang iyong.
    Chubygreat dapat kong sabihin muli salamat !!!!!!!

    ReplyDelete
  5. Kamusta sa lahat, sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon na ngayon ay nagkakaroon ako ng isyu sa aking asawa at siya ay nagalit at umalis at nahihirapan akong makipag-ugnay sa kanya o kahit na makita ko siya, ako ay naging maraming mga relasyon ngunit ang lahat ay hindi nagtatrabaho dahil ang karamihan sa mga batang babae ay pagkatapos ng pera ng mga lalaki, halos nawalan ako ng pag-asa hanggang sa aking kasosyo sa negosyo at pinakamatalik na kaibigan ang nagbigay sa akin ng isang perpektong sagot.
      Tinulungan ako ng CHUBYGREAT na maibalik ang aking asawa, sa umpisa naisip kong hindi siya makakatulong o siya ay isang scam ngunit tinawag ko ang lakas ng loob na magtrabaho siya at ginawa ko ang lahat ng hiniling niya, ilang araw lamang akong nakarinig ng isang tawag, nang pumili ako narito ang aking telepono! Ito ang aking asawang Darling na tumawag sa akin upang kunin siya mula sa paliparan, nagulat ako.
    Ngayon ako ay lubos na nagpapasalamat na ang aking asawa ay bumalik, ako ang pinaka-maligayang tao sa mundo at din naipromote ako sa aking lugar ng negosyo dahil sa kanyang mabuting kapalaran ay gagana. Para sa mga may problema sa labas doon maaari kang makipag-ugnay sa kanya sa whatsapp na may 2348165965904, maaari mo lamang mai-email ang CHUBYGREAT@GMAIL.COM at malulutas ang iyong problema na ipinangako ko sa iyo.

    ReplyDelete
  6. Nag karoon ako ng Boyfriend 3years na kami masaya kami parang walang problema hanggang nag bago na ang lahat nung ldr na kami lge niya akung inaaway lge niya akung sina sabihan na baka may boyfriend na akung iba tapos pag may kunting problema palakihin niya pero kahit ganun shaa Mahal ko parin shaaa at na niniwala ako na mag babago shaa kaso mali pala ako di pala sha nag bago kaya diko na kaya ugali niya kasi lge nlng kami nag aaway kaya nki pag break ako sa kanya kahit labag sa loob ko at sa puso ko pinipilit kung maging masaya
    One day nkipag balikan sha sa akin gusto niya daw na bigyan ko sha ng Second Chance kaso ayuko na kasi baka maulit na naman yun...
    Ayukong masaktan na naman ako
    Ayukong umiyak na naman ako
    Dhil sa kanya
    lage shang nag cha chat txt tawag na humingi ng Second Chance
    Kaso ayaw na ng puso ko
    Pagod na mag mahal cguro
    Pagod na ang puso ko na umiyak sa walang kwentang bagay

    Kaya ngayun masaya ako sa bubay ko ngayun
    I feel FREEDOM
    Im happy to be a Single kasi wala na akung problema

    Kaya EX sorry kasi sumuko agad ako ikaw kasi eee nag bago kana di na ikaw yung una na kilala kita
    Minahal kita ng buong Buhay ko
    Ikaw lang ang minahal ko kahit ang dami sila
    Masaya ako. Na nakilala kita
    Di ako nagsisi na ikaw ang boyfriend ko
    At ikaw lang ang Boyfriend ko na 3years
    Kaya sorry kasi di kita kayang ma replayan iwan ko ba kung bakit sorry talaga

    Take care nlng always cguro

    ReplyDelete
  7. LDR kami ng jowa ko, tang ina ang sakit, pag bintangan ng d mo namn ginawa

    ReplyDelete