Sunday, April 14, 2013
Saturday, April 13, 2013
SULAT PARA KAY EX
(FEMALE
VERSION)
Dear Ex,
Kumusta
ka na? Mukhang nakapagmove on ka na ah. Parang walang break up na nangyari
sating dalawa. Sa mga nababalitaan at napapansin ko mukhang masaya ka na.
Mukhang okay ka na. Balita ko nga may bago nang babae dyan sa puso mo.. AGAD.
I’m happy for you. Well.. Perhaps.. Ewan ko. Masaya ako kasi masaya ka. Pero
alam mo, deep inside, ang sakit-sakit. Umaasa pa rin kasi ako na baka may
chance pa tayo. Gusto ko ako pa rin laman niyang puso mo kahit di na tayo. Selfish
ba? Di naman siguro. Mahal pa rin kasi kita eh. Oo, tinaboy kita nung
sinubukang mong makipag-ayos. Natakot kasi akong masaktan ulit. Pero hindi ibig
sabihin nun eh hindi na kita mahal. Gusto ko lang muna ng space.. ng time..
para makapag-isip. Para mabigyan ko naman ng
time yung sarili ko. Nakakasawa rin kasi yung mga paulit-ulit at walang
kwentang mga away natin. Pero kahit ganun, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nga
nung nalaman ko na may iba ka na, parang nadurog yung puso ko. Di ko alam kung
ginagawa mo lang yun para makaganti ka o para magkaayos tayo. I don’t want to
judge you. Baka kasi mahal mo na nga talaga yang babaeng yan and kung ganun
nga, hindi mo naman siguro kasalanan yun. Ang sakin lang, if dumating yung time
na magkagirlfriend ka na nga talaga ulit, kung hindi man ako yun, sana pasayahin ka nya
higit pa sa ginawa ko. Sana rin wag na nya gawin
yung mga mali
na nagawa ko sayo. Thank you sa love mo. Sa pag-intindi at pag-aalaga. Thank
you sa mga magaganda at pangit na memories. Hindi man ikaw ang happy ending ko
sa biyahe ng love life ko, happy pa rin ako na kahit papano nakasama kita sa
journey ko. Sorry sa mga nagawa ko. Wag kang mag-alala, simula ngayon lalayo na
talaga ako kahit mahirap. Para naman di na ako
makagulo sa happiness mo ngayon. Masaya ako kasi di naging mahirap sayo yung
mag move on. At least hindi na masyadong nadagdagan yung sakit na naibigay ko
sayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Mahal na mahal kita. Wag kang mag-alala,
makakalimot din ako. Di man ngayon, pero uunti-untiin ko. Mag-iingat ka ha?
P.S.
Kung
sakaling magbago ang isip mo at muli kang bumalik, lagi mong tandaan, nandito
lang ako para sayo. Naghihintay na balikan mo.
SULAT
PARA KAY EX
(MALE
VERSION)
Dear Ex,
Hi.
Kumusta na? Alam mo, minsan nakokonsensya na naiinis ako sa tuwing magdadrama
ka sa iba tungkol sa naging break up natin. Bakit? Kasi para bang ako yung may
ginawang mali .
Oo, alam ko yung immaturities ko. Alam ko rin na sobrang seloso ako. Pero alam
mo rin naman yun di ba? Kung mahal mo ako talaga, iiwasan mo yung mga bagay na
magiging reason na isipin ko na di mo naman talaga ako mahal. Yung mga bagay na
pag-aawayan natin. Ayaw mo na nagseselos ako? Bakit? Nasasakal ka na ba? Sorry.
Pero di ko mapigilan eh. Maliit man o malaki ang isang bagay, basta tiwala ang
usapan, di dapat binabalewala yun. Gusto mo ba yung pakiramdam na wala akong
pake sayo? Na kahit anong gawin mo ayos lang? Yung tipong halos ipamigay kita?
Mahal kita, kaya gusto ko sakin ka lang. Ayoko na kumakausap ka ng kahit sinong
lalaki. Kahit kaibigan mo pa. Ang lalaki ay lalaki. Oo may tiwala ako sayo
kahit na iniisip mong wala dahil sa kakaselos ko. Sa mga lalaking nakapaligid
sayo ako walang tiwala. Di natin alam kung ano ang pwede nilang gawin o isipin
tungkol sayo. Kapakanan mo lang iniisip ko. Gusto ko ako lang pogi sa paningin
mo. Kahit na hindi ako maligo gusto ko ako lang mabango para sayo. Ayoko na
kinikilig ka sa ibang lalaki kasi bilang boyfriend mo, trabaho ko yun; na
pakiligin ka. Ayokong tumitingin ka sa iba. Sobrang nagseselos na ako sa ganun.
Kahit sa picture. Pakiramdam ko kulang pa ako sayo. Ayokong tumatawa ka dahil
sa iba. Dapat ako lang nagpapasaya sayo higit sa lahat. Ayokong nagsusuot ka ng
mga damit na kapos sa tela. Baka mabastos ka lang. Tsaka wala pa naman tayong krisis
sa tela kaya sana
wag mo nang gawin yun. Marami akong ayaw. Sorry kung nasasakal kita dahil sa
mga yan. Pero wala akong magagawa. Yan ako eh. Hindi naman siguro ganun kasama
yan para lagi mong suwayin. Yung mga ayaw mo, sinusunod ko naman di ba? Eh bat
yung mga ayaw ko di mo magawa? Lagi kang may palusot, lagi kang may dahilan.
Ultimo sa facebook niloloko mo na ko. Nagselos ako sa lalaking kinausap mo. You
blocked him sa account mo pero may isa ka pang account at dun mo sya ulit
kinakausap. Sinong matutuwa sa ganun? Ilang beses akong nagpatawad at
umintindi. Pero hindi ko na talaga kaya. Umabot na ako sa hangganan ko. Sinaid
mo ang pasensya at pagmamahal ko. At nitong mga nakaraang araw, may nakilala
ako. Isang babae na kabaliktaran mo. Lahat ng kilos nya, naaayon sa mga gusto’t
ayaw ko. Masaya ako kapag kasama ko sya. I am too close to love her. Pero sa
tuwing kasama ko sya, may parte ng puso ko na nagsasabing sana ikaw na lang sya. Ikaw sana yung kasama ko sa bawat araw na
dumarating sa buhay ko. Ikaw sana
yung kasama kong tumawa, ngumiti.. I loved you even with your imperfections the
way you loved me with my immaturities. There are times that I still miss you.
Actually, lagi talaga kitang naiisip. Paggising ko, I always check my phone.
Baka kasi tumawag ka o nagtext man lang. Sa mga common friends natin lagi rin
akong pasimpleng nagtatanong tungkol sayo. Kahit sa facebook, 24/7 akong online
para tingnan kung online ka, para makita kung anong bagong status mo, para
malaman kung may bago ka nang ka-in relationship.. Even though I met someone
else, there still and there will always be a part of me na magsasabing you’re
still the one for me. Siguro part lang ng ego ko yung babae na na-meet ko ngayon para kahit
papano masabi kong masaya pa rin ako. Na okay ako. Na nakalimot na ko. Na
strong ako. Na ayoko na talaga. Na kaya ko na wala ka. But the truth is, from
the start till the end of the day, ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko.
Hinihintay ko lang siguro yung sabihin mo sakin na mahal mo pa rin ako. Na bumalik
na ko sayo. Na ako lang talaga at wala nang iba. Kasi ako, kahit na maka-ilang
away at break up pa tayo, I think, mahirap nang baguhin yung nararamdaman ko
sayo.
Subscribe to:
Posts (Atom)